Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, April 5, 2014

Hinggil sa mga maling paratang ni Alex Padilla at ang mga intriga ng rehimeng Aquino [UPDATED]



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/04/hinggil-sa-mga-maling-paratang-ni-alex_3.html


Hinggil sa mga maling paratang ni Alex Padilla at ang mga intriga ng rehimeng Aquino [UPDATED]

 Luis G. Jalandoni
 NDFP Negotiating Panel
 Marso 31, 2014

 Translation: On the false Allegations of Alex Padilla and intrigues of the Aquino regime

 
Ang paratang ni Alex Padilla na nagpanukala ng impormal na pakikipag-usap sa gubyernong Aquino ang Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines pagkaaresto lamang ng mga Tiamzon ay ganap na kasinungalingan at malisyoso. Batid niya na sa aming pagpupulong sa Makati noong 27 Pebrero 2014, ilang linggo bago ang pag-aresto sa mga Tiamzon, ipinaabot na namin ang kahandaang pumayag sa panukala ng Royal Norwegian Government na magdaos ng mga impormal na pag-uusap o mga konsultasyon sa gubyernong Aquino sa Mayo 2014.

Ang Foreign Minister ng RNG, sa panahon ng pagbisita niya sa Pilipinas noong maagang bahagi ng Enero 2014, ang nagpaabot ng aming panukala kay Presidente Aquino ng GPH at kay Secretary Teresita Deles ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na idaos ang mga impormal na usapan. Sa dalawang beses na pagkikipagtagpo namin ni Coni Ledesma, kagawad ng Panel ng NDFP, at ako, sa Minister Counselor ng Norwegian Embassy sa Maynila, noong 14 at 21 ng Pebrero, alam niya ang kagustuhan ng NDFP na idaos ang mga impormal na usapan, at pinaabutan niya si Alex Padilla ng gayong kagustuhan sa isang pulong bago pa ang aming pakikipagtagpo kay Padilla noong 27 Pebrero.

Ang pahayag ni Alex Padilla na nais na lamang makipag-usap ngayon ng gubyernong Aquino sa Partido Komunista ng Pilipinas na nasa Pilipinas at hindi na sa Panel sa Negosasyon ng NDFP ay hindi na bagong intriga. Siya at si Secretary Deles, at ang iba pang tagapagsalita ng gubyernong Aquino, ang gumawa ng gayong deklarasyon. Bagong hakbang na naman ito upang hindi makipag-usap sa Panel sa Negosasyon ng NDFP, na siyang binigyan ng atas ng PKP at iba pang rebolusyonaryong pwersa ng NDFP na kumatawan sa kanila sa negosasyong pangkapayapaan sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GPH/GRP). Sa harap ng ganitong anyo ng intriga sa bahagi ng administrasyong Aquino, muling inuulit ang atas na ito.

Ang posibleng adyenda na ipinanukala sa impormal na usapan o mga konsulatasyon, sang-ayon sa Kasunduan sa mga Alituntunin ng 26 Pebrero 1995, ay maaaring magawa tulad ng mga proyektong pangrehabilitasyon para sa mga komunidad, gaya ng mga magniniyog, na apektado ng Yolanda. Isang sesyon hinggil sa pag-uusap sa Colombia ang nabanggit, dahil ang isa sa mga upisyal ng Norwegian Foreign Ministry, na si Ingrid Ekker, ay sangkot sa negosasyon sa Colombia. Ang dalawang Partido ay dapat magkasundo sa adyenda ng konsultasyon sa mga upisyal na Norwegian.

Kung patuloy na tatangging respetuhin ng administrasyong Aquino ang JASIG at ang iba pang bilateral na kasunduan, at ang paiiralin ay ang mga intriga at maling paratang upang iwasan ang mga impormal na pag-uusap, kung gayon, dapat panagutan ni BS Aquino ang pagkitil sa negosasyong pangkapayapaan ng GPH-NDFP.






















OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/








PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------