Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, April 11, 2014

Pagtalakay sa mga isyu ng bayan sa usapang pangkapayapaan, pagtalima sa JASIG at iba pang kasunduan, iginiit ng NDFP


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: 
http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/04/pagtalakay-sa-mga-isyu-ng-bayan-sa.html#more


Pagtalakay sa mga isyu ng bayan sa usapang pangkapayapaan, pagtalima sa JASIG at iba pang kasunduan, iginiit ng NDFP

Luis Jalandoni
NDFP Negotiating Panel
April 08, 2014

Translation: NDFP proposes people’s issues for peace talks, demands compliance with JASIG, other agreements
Nais ni Secretary Deles na talikdan ng rehimeng Aquino ang mga obligasyon nitong tumalima sa mga umiiral na kasunduanng pangkapayapaan na nilagdaan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP/GPH) sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang kanyang makitid na dahilan ay gawing isang "usapin na lamang ng pamamaraan" ang pagtalima sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ng 1995.

Hindi isang "usapin lamang ng pamamaraan" ang pagtalima sa The Hague Joint Declaration (1992), sa JASIG (1995), at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Binibigkis ng mga kasunduang ito ang magkabilang panig at esensyal ang mga ito para kamtin ang makatarungang kapayapaan sa pamamagitan ng mga negosasyon. Nangangailangan ito ng palabra de honor. Sino ang magtitiwala sa gubyernong hindi tumatalima sa mga kasunduan at kontratang pinasok nito?

Kung kaya, ang pagpapalaya sa idinetineng mga konsulatant ng NDFP at mga tauhang protektado ng JASIG ay esensyal sa pagtitiwalaan ng dalawang Partido. Kailangan ito upang sumulong sa pormal na negosasyong pangkapayapaan.

Mula noong 16 Marso 1998, nang lagdaan ang CARHRIHL sa The Hague, nagpresenta na ang NDFP sa GRP ng Borador ng NDFP para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER). Nakipagpalitan na ng borador si Julieta de Lima, ang Tagapangulo ng Reciprocal Working Committee ng NDFP sa Social and Economic Reforms, kay Jose V. Yap ng Panel sa Negosasyon ng GRP. Sinaksihan ito ng Chargé d’Affaires ng Royal Norwegian Embassy.

Bukas ang NDFP na makumpleto ang CASER sa loob ng anim na buwan. Ipinapanukala ng NDFP na talakayin ang isyu ng Hacienda Luisita sa loob ng isang buwan. Ipinapanukala rin nitong makapag-ayos ng epektibo at komprehensibong programa sa rehabilitasyon para sa mga apektadong lugar ng Yolanda sa loob ng dalawang buwan, sa tulong ng Royal Norwegian Government (RNG) at ng UN Food and Agriculture Organization (FAO).

Ipinapanukala namin na talakayin at bumuo ng kasunduan sa loob ng tatlong buwan hinggil sa programang Public-Private Partnership (PPP), at ang mga epekto nito sa demolisyon ng mga komunidad ng maralitang lunsod. Gayundin, nais naming talakayin ang isyu ng pag-imbulog ng presyo ng gasolina at langis, ng pagkain, elektrisidad, tubig at iba pang batayang produkto sa loob ng tatlong buwan. Maaari ring talakayin sa loob ng tatlong buwan ang usapin ng pribatisasyon ng mga ospital na Fabella at Orthopedic, at iba pang kaugnay na usapin.

Ipinapanukala naming talakayin sa loob ng apat na buwanang mapangwasak na dayuhang pagmimina, ang dislokasyon ng mga katutubong mamamayan at magsasaka, ang pagkawasak ng kanilang kabuhayan,. Maaari kaming humingi ng tulong sa Norwegian Refugee Council na naglathala ng dokumento tungkol sa mga Lumad.

Lahat ng iba pang usapin gaya ng kalusugan, pabahay, ng karapatan ng kababaihan, mga bata at mga matatanda, na dapat maisama sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms, ay maaaring matalakay sa loob ng anim na buwan.

Sa tulong ng RNG, maaaring magdaos sa Oslo ng dalawang-linggong pulong ng magkabilang panig, para sa pormal na pagtutuloy ng negosasyong pangkapayapaan. Maaari itong ihanda sa pamamagitan ng mga impormal na usapan o konsultasyon sa Oslo sa huling linggo ng Mayo.

Ang mga kongkretong panukalang ito ng NDFP ay hamon kay Presidente Benigno S. Aquino III ng GPH. Seryoso ba siya sa hiling ng mamamayan para sa makatarungang kapayapaan, o ang prayoridad ba niya ay ang pagpipiit sa mga konsultant ng NDF at mga bilanggong pultikal?












OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------