Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, June 13, 2014

CPP expresses solidarity with June 12 anti-corruption rally


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/06/cpp-expresses-solidarity-with-june-12.html#more


CPP expresses solidarity with June 12 anti-corruption rally

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
June 11, 2014

The Communist Party of the Philippines (CPP) today expressed solidarity with the organizers of the anti-corruption protest actions scheduled tomorrow that is expected to draw in large numbers of people seeking to hold Benigno Aquino III accountable for widespread corruption under his regime.

The June 12 rally is being organized by the Scrap Pork Network, a broad alliance of organizations and personalities who have been calling for the abolition of both the Priority Development Assistance Fund (PDAF) and the Disbursement Acceleration Program (DAP). Both the PDAF and the DAP have been used by Aquino as leverage to influence senators, congressmen and local government officials to hew to Aquino's political agenda. The Supreme Court recently declared the PDAF as unconstitutional but has yet to issue a decision on the DAP.


"The CPP and all revolutionary forces fully support the June 12 demonstration against the corrupt Aquino regime. The anti-corruption demonstration is an expression of the Filipino people's disgust over the Aquino regime's false claims of 'good governance' and 'righteous path' while a few big oligarchs and big bureaucrat capitalists wallow in scandalous profits from government contracts and other privileges amid widespread poverty, unemployment and landlessness among the toiling masses of workers and peasants."

"The Filipino people condemn the corruption of the Aquino regime in the use of pork barrel funds for political patronage, in favoring big oligarchs in awarding government contracts under the Public-Private Partnership Program, in running smuggling and other criminal syndicates and in covering up the culpability of Aquino and his key officials," pointed out the CPP.

"The Filipino people are increasingly indignant as information regarding the direct involvement of Aquino and his key officials in the pork barrel scam and other cases of corruption are revealed," said the CPP. "Aquino himself has revealed his close acquaintance with Janet Lim Napoles when he publicized the letter from the pork barrel scam queen marked as having been received by the Malacañang Personal Office, which, according to protocol, only receives personal correspondences to the president."

"It is propitious that the demonstration against the corruption of the Aquino regime is being held on June 12 which marks the 116th anniversary of the declaration of Philippine national independence," said the CPP. "It is also appropriate for the Filipino people to raise the banner of patriotism and counter the unprecedented puppetry of the Aquino regime marked by heightened US military presence and interventionism in the country and the drive towards the complete surrender of Philippine national patrimony to foreign big business interests."

"The Filipino people stand on solid ground in demanding the ouster of the Aquino regime and in calling for the establishment of a provisional transitory council that will be comprised of personalities of repute and integrity from various democratic groups, the bureaucracy, the academe and other sectors," said the CPP.


-----------------------------



Puspusang isulong ang paglaban sa sistemang _pork barrel_ at paigtingin ang pagpapatalsik kay Aquino!

Ka Maria Roja Banua
National Democratic Front - Bicol
Hunyo 12, 2014

Nakikiisa ang National Democratic Front-Bicol sa pagkilos ng mamamayang Bikolano upang wakasan ang sistemang pork barrel at parusahan ang mga promotor nito sa Malakanyang. Tuluy-tuloy na nagpupunyagi ang libo-libong Bikolano sa maraming panig ng rehiyon upang makisanib sa laban ng milyon-milyong mamamayang pinagnanakawan ng gubyerno ni Noynoy Aquino.

Sa pagtatangkang pahupain ang galit ng sambayanan at pigilan ang kanilang pagmartsa, madaliang sinampahan ng kasong pandarambong ang mga kalaban ni Aquino sa pulitika na naunang nasangkot sa pork barrel scam. Layunin din nitong pagtakpan at ipagtanggol ang mga pork barrel kingpin katulad ng mastermind ng Disbursement Acceleration Program (o pork barrel ng pangulo) na si Budget Secretary Butch Abad, si Agriculture Secretary Proceso Alcala, si Senate President Franklin Drilon, at iba pang mga kaalyado ni Aquino sa Kongreso. Ngunit ang gayong paglilihis ay lalo lamang naglalantad sa krimen ni Aquino sa pakikipagsabwatan sa pagnanakaw sa pondo ng bayan. Hindi lamang hungkag ang bukambibig ni Aquino na “matuwid na daan”. Ang totoo, ginagamit niya ang islogan na ito bilang pantakip sa pagpapahintulot ng tagus-tagusang korapsyon sa ilalim ng kanyang rehimen.

Higit na naging matingkad sa ilalim ng pamumuno ni Aquino ang kabuktutan ng burukrata kapitalismong malaon nang naglulugmok sa bansa sa malubhang krisis. Pinasiklab ng pork barrel scam ang galit ng mamamayan sa sistema ng pagsasamantala ng mga upisyal ng gubyerno sa kanilang mga katungkulan upang magkamal ng kapital para sa kanilang mga sarili, angkan, at mga kasabwat. Sa ilalim ng burukrata kapitalismo, hayagang ibinubuhos ang yaman at mga pribilehiyo ng estado sa pakinabang ng mga pribadong negosyo. Gayundin, ang mga negosyong pang-estado ay itinatayo at pinatatakbo upang magbenepisyo sa mga pribadong kapitalista.

Dapat puspusang mag-ambag ang mamamayang Bikolano upang isulong at palakasin ang kilusan laban sa sistemang pork barrel, kabilang na ang pagbasura sa pinakamalaki at kinasusuklamang pork barrel ng pangulo na Disbursement Acceleration Program (DAP).  Dapat patalsikin at isakdal ang Pork Barrel King bilang pinuno ng kanyang rehimen sa pagnanakaw sa kinabukasan ng mamamayan. Magiging makabuluhan ang paghikayat ng malawak na hanay ng mga aping uri at sektor sa mga patriyotikong elemento sa panig ng 9th ID at PNP-Bicol. Katulad sa nakaraang pagpapatalsik sa mga kinamuhiang rehimen, ang pagsuporta ng militar at pulisya sa makatarungang hangarin ng mamamayan ay magpapalakas sa pag-aalsa ng laban sa rehimeng Aquino.

Titiyakin ng itatayong Konseho ng Pambansang Pagkakaisa na ang papalit na sibilyang rehimen ay may moral na katayuan upang tanganan ang pamumuno sa isang gubyernong tunay na magsisilbi sa interes ng mamamayan. Isang hakbang ito sa unti-unting pagsulong ng mamamayang Pilipino sa pagtatatag ng isang gubyernong tunay malaya sa korapsyon, at may pananagutan sa mamamayan.








OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------