Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, June 6, 2014

Interbensyon ng US sa paglusob sa Zamboanga, binatikos ng PKP


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/06/interbensyon-ng-us-sa-paglusob-sa.html#more


Interbensyon ng US sa paglusob sa Zamboanga, binatikos ng PKP

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hunyo 5, 2014

Translation: CPP denounces US intervention in Zamboanga siege

Kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang militar ng US sa pakikialam sa paglusob ng AFP sa ilang baybaying munisipalidad ng ng Zamboanga City laban sa Moro National Liberation Front (MNLF) mula Setyembre hanggang Oktubre noong isang taon. "Ang pagsangkot ng pwersang militar ng US, sa pamamagitan man ng direktang kombat o pagbibigay ng suportang lohistikal o paniktik ay katumbas ng interbensyunismong militar at isang paglabag sa pambansang soberanya ng Pilipinas."

Sa komentaryo kahapon, inamin ni Philip Goldberg, ambassador ng US, na sangkot ang pwersang militar ng US sa operasyong militar laban sa MNLF sa Zamboanga City noong isang taon, na nagsasabing nagbigay ito ng "mahalagang impormasyon at aset sa komunikasyon" sa AFP. Inilabas ni Goldberg ang pahayag na ito sa paglipat ng kumand ng US Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTFP) sa Zamboanga City kahapon. Inamin din ng paalis na kumander ng JSOTFP na si Col. Robert McDowell na nakibahagi siya sa paglusob at itinuring niya ang sarili bilang "isang piping bayani".

Lagi't laging itinatatwa ng gubyernong Aquino at ng mga upisyal militar nito ang pagkakasangkot ng US sa paglusob na tumagal ng isang buwan na inilunsad ng AFP laban sa MNLF. Gayunpaman, malinaw na ipinakita sa mga balita noong kasagsagan ng todo-todong paglusob ng AFP ang ilang oras na pag-aligid ng isang walang tatak na sasakyang panghimpapawid. Noon pa ma'y laganap na ang ispekulasyon na ang di matukoy na sasakyang panghimpapawid ay mga drones na pinatatakbo ng pwersa ng US mula sa base nito sa Camp Navarro sa Zamboanga City.

Tila hinawan ng todo-largang gerang pangwawasak ang eryang residensyal ng lunsod. Pinalikas ng pambobomba, pangmomortar at pang-istraping ng masinggan sa mga bahay at gusali ang 120,000 mamamayan na kalaunan ay pinagbawalang bumalik sa kanilang mga tahanan at pinuwersang mabuhay sa tila di pantaong pansamantalang tirahan. Mula Oktubre, mahigit nang 100 katao ang namatay sa sakit sa mga sentrong ebakwasyon. Maraming naniniwala na ginamit ng rehimeng Aquino ang presensya ng MNLF sa lugar para maglunsad ng walang-rendang gerang pangwawasak upang bigyang-daan ang planong gamitin ang eryang residensyal para sa layuning komersyal at pangmilitar.

"Dapat papanagutin ang rehimeng Aquino at ang AFP sa pagpapahintulot o pag-imbita sa interbensyunismong militar ng US sa pagsasakatuparan ng todo-largang paglusob at gerang pangwawasak nito sa mga baybaying munisipalidad ng Rio Hondo, Sta. Barbara at Sta. Catalina," anang PKP. "Sa pagpapahintulot sa militar ng US na manghimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas, hinahawan ng rehimeng Aquino ang daan para sa mas malawak na interbensyunismong US sa hinaharap."

"Kahit ngayon, ipinatutupad ng militar ng US ang lahatang-panig na paniniktik gamit ang mga drone maging ng paggamit sa impraistrukturang pantelekomunikasyon at internet ng Pilipinas. Minomonitor na nito ang komunikasyon sa cellphone ng mga susing pulitiko ng gubyernong Aquino," pagdidiin ng PKP.

"Sangkot din ang mga pwersang militar ng US sa mga aktwal na operasyon laban sa Bagong Hukbong Bayan sa bansa. Sangkot din ang mga pwersa ng US sa mga operasyong kombat laban sa Abu Sayyaf, kabilang ang paglulunsad ng operasyong 'smart-bomb' sa Basilan, na pinaniniwalaang maraming sibilyang tinamaan."


-------------------------------


Captured drone personnel violated NPA policy against US imperialism counter-revolutionary intelligence & environmental plunder


Daniel Ibarra
NPA Comval Davao Gulf Sub Regional Command

June 02, 2014



In culpable violation of the policy of the People’s Democratic Government for bringing in of surveillance gadgets, for undertaking reconnaissance of base guerrillas of the New People’s Army and, thus, abetting the enemy’s counter-revolutionary campaign against the revolutionary forces and environmental plunder, the NPA Comval Davao Gulf Subregional Command detained four personnel belonging to the Sky Eye UAV services, namely: Ken Wong, manager and team leader; Chrisandro Favela, Tim Sabino, and Nico Lasaca. Confiscated from them were 1 sky surfer drone and two multi-rotor drones, two laptops and one gps. Their driver, Jonas Loredo of the Maria Ave car rental service, was also arrested last May 30 in Brgy. New Leyte, Maco, Compostela Valley.  The five arrived in the area last May 28.

Initial investigation following the arrest showed that the Sky Eye UAV was hired by the Department of Environment and Natural Resources for its so-called greening program. The four personnel were conducting mapping thru aerial surveillance using drones that have high definition cameras and videos.  The company’s owners are Matt Cua and Carlos Ezekiel. They started last year and have already visited Bislig, Kapalong, Monkayo,Montevista, Polomolok,Tacloban, Panay, and Appari areas.

The investigation confirmed earlier pronouncement made by local GPH environment officials who announced that it will tap the  ‘Sky High’ project using unmanned aerial vehicles (UAVs) or drones to pinpoint so-called illegal logging ‘hot spots’ in Davao Oriental, Compostela Valley, and Davao del Norte provinces. The same GPH officials have said that they will tap the UAV services of a private company based in Makati called Sky Eye Inc. 

The NPA maintains that the DENR/Skyeye’s anti-logging aerial reconnaissance is merely a pretext to intensify imperialist mining plunder and counter-revolutionary intelligence in Southern Mindanao.  The motives of Skyeye’s reconnaissance are suspicious, considering that Maco is not a hotspot for logging as its forests are largely denuded and its mountains mainly mineral-rich. It would appear that Sky Eye is mainly protecting, if not linked towards the big mining operations in Maco and mountain boundaries of Pantukan and Mabini, areas under the control of foreign large scale mining concessionaires Apex Mining and St. Augustine Mining Corp. The DENR’s UAV use is far from protecting the environment, but is mainly to defend the interest of the big mining companies that are guilty of destroying and plundering our environment.

The NPA denounces the use of drones and other reconnaissance devices that are ultimately indiscriminate weapons of mass genocide and civilian destruction. The UAVs are not only surveillance gadgets but are also weapons for aerial attacks and strikes, designed and used by US imperialism. Most well-known among drones is the Predator and the Reaper, which have carried out assassinations and massacres in the Middle East, Asia and North Africa. Thousands of civilians have been killed by these drone air strikes.  

This is not the first time that US gadgets were used in the revolutionary territories of Southern Mindanao. In May 2008, four U.S. soldiers manned a tactical command post of the 1003rd Brigade of the AFP in Barangay Ngan, Compostela, Compostela Valley, as the AFP launched a 10th ID-wide military operation. The US troops were spotted operating a UAV. Similar looking gadgets were found in Paquibato and Marilog districts in Davao City last year.

The NPA will release the captive drone personnel on condition that the Sky Eye will stop its surveillance and intelligence activities in the areas of People’s Democratic Government. The NPA, likewise, urges civilian entities to desist from pursuing defense of large-scale mining and environmental plunder, and to cease performing counter-revolutionary intelligence activities against the revolutionary movement.







OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------