Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, February 5, 2016

Masaker sa Brgy Bartolabac, San Jacinto, Masbate, Charlie Company 9th IBPA ang tunay na Salarin!


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  https://ndfbicol.wordpress.com/
Garapalang kasinungalingang pagbintangan ang Jose Rapsing Command-New People’s Army (JRC-NPA Masbate) ng Charlie Company 9th Infantry Batallion Philippine Army na syang tunay na may kagagawan sa naganap na pagpatay sa brgy Bartolabac, San Jacinto, Masbate sa Ticao Island. Ang hinabing imbestigasyong lumabas sa panayam ng media kay C/Supt Augusto Marquez, Jr ng PNP Regional Director ay lantay na kasinungalingang walang lohikal na pinagbatayang datos mula sa tunay na pangyayari .

Nakaturo ang kanilang hintuturo sa JRC-NPA habang nakaturo naman ang apat nilang daliri sa kanilang sarili bilang mga tunay na salarin sa naganap na masaker. Sinadyang patayin si Brgy Captain Rey Encabo Y Sabueso para patahimikin ang kanyang matibay na panindigan na ipagtanggol ang karapatan pantao ng kanyang mga residente sa baranggay. Nakaukit sa oryentasyon ng pasistang hukbo na kilalaning “collateral damage’ ang sinumang sibilyang madadamay sa pagsasakatuparan ng kanilang “mission order”. Sadyang idinamay si Kagawad Robert “Bongbong” Almondiel Y Dionella na nagkataon naroon sa bahay ni kapitan nang mangyari ang pamamaslang. Ang nakasaksi sa krimeng si Jay Amoradiel Y Cristobal, 14 taong gulang ay idinamay din upang walang magpatotoo sa pangyayari. Hindi pa nakuntento, inundayan pa ng taga sa mukha ang nakabulagta nang bangkay ni brgy captain Sabueso at pinasabog naman ang ulo ng binatilyong si Jay kung saan nakaimbak ang impormasyon ng tunay na pangyayari. Nais iwanan na mensahe at larawan sa mamamayan ang brutalidad sa krimen upang dalain ang mamamayan. Kasama sa disenyo ng saywar ang paggawa ng krimeng katulad nito, magpanggap na NPA ang gumawa at ibintang sa huli upang sirain ang imahe ng tunay na hukbo ng mamamayan sa isla.

Ito ang tunay na nilalaman ng saywar na disenyo ng Project Development Team Operation (PDTO) na nagtatago sa retorika ng “kaunlaran” pero sa kabilang panig ay lumilikha ng terorismo sa hanay ng mamamayan upang kitlin ang rebolusyonaryong adhikain para sa tunay na pagbabago.

Subalit hindi na kayang sirain ang lumalakas na rebolusyonaryong kilusan sa isla na ipinundar sa pagpupunyagi sa rebolusyong agraryo, pagtatayo ng tunay na binhi ng demokratikong gobyernong bayan at pagkakaroon ng tunay na hukbong nagsisilbi sa interes ng masang anakpawis na dudurog sa buong makinarya ng estado. Malalantad lamang ang anumang kontra-rebolusyonaryong iskema ng PDTO tulad ng pagkakalantad ng mga pamamaslang at masaker na naganap sa unang hati pa lamang ng taong 2015. Binigo na ito ng malakas na kilusang masa sa Isla at sa buong rehiyon. Determinado ang Pangrehiyonal na Kumand ng Romulo Jallores katulong ang mga pamprobinsyang kumand na patuloy na bigwasan ang PDTO na isinagawa sa Isla at buong rehiyon bilang ambag sa kabuuang opensiba inilulunsad sa buong bansa.

Kinokondena ng National Democratic Front-Bicol ang lansakang paglabag sa karapatan ng mga mamamayang Masbateno, Bicolano at mamamayan na malinaw na labag sa mga Batas sa Digmaang itinatakda sa Protocol I at II ng Geneva Convention.

Papanagutin ang 9th Infantry Batallion Philippine Army sa ilalim ng pamumuno ni Corporal Dangcalan at Sgt. Bustamante na syang nagsagawa ng operasyon sa lugar ng panahong yaon. Papanagutin din ang kasalukuyang commanding officer na si Lt. Col Patrick E. Cinco ng 9th IBPA sa pamumuno ni Brigadier General Ferdinand M. Quidilla sa kanilang responsibilidad sa pasistang oryentasyon na katuruan sa kanilang tropa.

Biguin ang PDTO sa Masbate Isla at ang Oplan Bayanihan sa buong rehiyon.

Utang na Dugo ng Charlie Compny 9th IBPA sa ilalim 9th IDPA, Singilin!!!

Isulong ang Digmang Bayan hanggang sa Tagumpay!

Mabuhay ang Rebolusyon!

Ka Maria Roja Banua
Tagapagsalita
NDF-Bicol




OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES


http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------