From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article: https://philippinerevolution.nu/angbayan/organisador-ng-katutubo-at-magsasaka-inaresto-sa-palawan/
Organisador ng katutubo at magsasaka, inaresto sa Palawan
Isang organisador ng mga katutubo at magsasaka ang iniulat ng Karapatan-Southern Tagalog na iligal na inaresto ng mga pwersa ng pulis sa bayan ng Taytay, Palawan noong Oktubre 1. Ang biktima na kinilalang si Sefriano Liabres, kasapi ng Samahan ng mga Magsasaka at Katutubo ng Mindoro (SAMAKAMI), ay nagpapagamot nang damputin ng mga pulis.
Kinundena ng Karapatan-Southern Tagalog ang tinawag nitong iligal na pag-aresto at pagsampa ng gawa-gawang kaso laban kay Liabres. Ayon sa grupo, pinaratangan ng pulis ng Region IV-B (MIMAROPA) si Liabres na isang mataas na lider ng hukbong bayan sa isla ng Mindoro. “Batay sa nakalap na impormasyon, balak siyang dalhin sa Mindoro ng mga humuli sa kanya,” anang Karapatan-Southern Tagalog.
Ang grupong SAMAKAMI ay isang organisasyon sa Mindoro na nagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo at magsasaka. “Mula noon, patuloy na nakaranas ang mga myembro ng SAMAKAMI ng…walang katapusang red-tagging, pagdukot, at pagpatay sa mga myembro at lider nito,” ayon pa sa grupo.
Ayon sa Karapatan-Southern Tagalog, hindi naging ligtas sa pampulitikang panggigipit at panunupil kahit ang nagpapagamot na si Liabres. “Higit na nakakabahala ang sunud-sunod na panibagong kaso ng sapilitang pagdukot sa mga organisador at lider sa ilalim ni Marcos Jr. Inaakusahang terorista ang mga iligal na dinudukot at sinasampahan ng gawa-gawang kaso kagaya ni Sefriano bilang isang lider organisador ng mga magsasaka sa kanayunan,” ayon sa Karapatan-Southern Tagalog.
Nanawagan ang grupo para sa pagbabasura sa kaso at agarang paglaya ni Liabres. Dapat ring managot ang mga pulis na dumampot sa kanya.
Sa talaan ng Ang Bayan, halos 60,000 katao ang kabuuang bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa Mindoro ng armadong mga pwersa ng estado sa ilalim ng rehimeng Marcos.

CPP/NPA/NDF Website
Article links
https://philippinerevolution.nu/angbayan/organisador-ng-katutubo-at-magsasaka-inaresto-sa-palawan/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------