Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, October 18, 2024

Pag-aresto sa konsultant pangkapayapaan ng NDFP sa Davao, labag sa JASIG

 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article:   https://philippinerevolution.nu/angbayan/pag-aresto-sa-konsultant-pangkapayapaan-ng-ndfp-sa-davao-labag-sa-jasig/



Pag-aresto sa konsultant pangkapayapaan ng NDFP sa Davao, labag sa JASIG

naresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang konsultant sa pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Porferio Tuna noong Oktubre 2 sa Barangay Mankilam, Tagum City, Davao del Norte. Labag ito sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), isang kasunduan sa pagitan ng gubyerno ng Pilipinas at ng NDFP.

Ang JASIG ay isang kasunduan na naggarantiya sa kaligtasan ng lahat ng mga sangkot sa usapang pangkapayapaan. Ipinagbabawal nito ang sarbeylans at pag-aresto ng mga negosyador, konsultant at iba pang personnel. Pinirmahan ito noong Pebrero 24, 1995 sa ilalim ng rehimeng Ramos.

Si Tuna, 60 taong gulang, ay sinampahan ng mga kasong kidnapping, serious illegal detention, murder, robbery with violence, at attempted homicide. Idinadawit rin siya ni Maj Ruben Gadut, tagapagsalita ng 10th ID, sa mga armadong opensiba at atake ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Mindanao.

Kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Marcos at ang AFP sa pag-aresto kay Tuna. Ipinananwagan ng Partido na igalang ang lahat ng kanyang karapatan, kabilang ang kanyang karapatan sa abugadong kanyang pinili, at agad siyang palayain.

Si Tuna ay nagsilbing konsultant ng NDFP sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa gubyerno ng Pilipinas noong 2016 sa Norway. Nagbigay siya ng mahalagang kaalaman sa Negotiating Panel ng NDFP tungkol sa sitwasyon ng mga magsasaka, manggagawa sa plantasyon, at mga minoryang grupo sa Southern Mindanao, upang epektibong katawanin at isulong ng NDFP ang kanilang interes sa pakikipagnegosasyon at pagbubuo ng kasunduan para sa komprehensibong repormang sosyo-ekonomiko.

“Ang pag-aresto at pagdetine kay Tuna ay malinaw na may layuning gantihan siya sa pagsisilbi bilang konsultant pangkapayapaan ng NDFP,” ayon kay Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng PKP. Dagdag pa niya, hindi ito nakatutulong sa pagpapalakas ng tiwala sa mga pagsisikap na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Binatikos ni Valbuena ang AFP at mga bayarang ahente nito sa panggigipit kay Tuna upang pilitin siyang talikuran ang kanyang mga prinsipyo at ang pambansa-demokratikong layunin ng bayan. Kasalukuyan siyang ipinaiilalim sa matinding sikolohikal na tortyur.

Tahasang pinagbantaan ng kontrarebolusyonaryong grupong Kalinaw-SEMR si Tuna na itinutulak nilang sumurender katulad nila. Anang grupo, kung hindi sumurunder si Tuna, maaapektuhan nito hindi lamang ang sarili “kundi maging sa buhay ng mga taong malalapit sa kanya.” Ang grupong ito ay binubuo ng mga nagtraydor sa masa at ngayo’y mga ahenteng militar na sina Arian Jane Ramos (aka Marikit), Ida Marie Montero (aka Mandy) at iba pa.

“Nanawagan kami sa lahat ng lokal at internasyunal na organisasyon para sa karapatang-tao, mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at mga grupong demokratiko na tumulong upang tiyakin ang pagpapalaya kay Tuna, upang patuloy niyang gampanan ang trabaho bilang konsultant sa kapayapaan, at upang magsilbi sa bayan, lalo na sa mga manggagawa sa plantasyon at magsasaka sa rehiyon ng Davao,” pahayag ni Valbuena.






 

CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-