From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/isinusulong-ni-binay-ang-chacha-para.html
Isinusulong ni Binay ang chacha para makuha ang suporta ng US sa 2016--PKP
Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 30, 2013
Translation: Binay pushing for chacha to get US support for 2016—CPP
Tinuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) si Jejomar Binay, bise presidente ng Republika ng Pilipinas, sa pagtutulak ng mga maka-liberalisasyon susog sa reaksyunaryong konstitusyon ng 1987 para lalo itong magsilbi sa interes ng mga dayuhang kapitalistang sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga probisyon sa konstitusyon na nagbabawal sa dayuhang pagmamay-ari ng lupain at mayoryang kontrol sa mga lokal na negosyo.
Anang PKP, "ang pag-endorso ni Binay sa charter change (pagbago sa konstitusyon) o chacha ay malinaw na isang pagtatangkang makuha ang suporta ng imperyalistang US para sa kanyang kandidatura sa 2016 bilang sunod na hepe ng papet na estado ng Pilipinas".
Idiniin ng PKP na malaon nang itinutulak ng gubyernong US ang Pilipinas upang amyendahan ang konstitusyon ng 1987 para lubos na magsilbi ito sa tinaguriang "free trade ('malayang kalakalan')" na mga kasunduang pinangungunahan ng US. Noong 2011, inendorso ng mismong ambassador noon ng US sa Pilipinas na si Harry Thomas ang pagbabago ng konstitusyon upang tanggalin ang pagbabawal sa dayuhang pagmamay-ari ng lupain at pagnenegosyo sa Pilipinas.
Tinutulan ng PKP ang pusisyon ni Binay na ang pagtatanggal ng mga pagbabawal at regulasyon sa konstitusyon ng 1987 laban sa dayuhang pagmamay-ari ng lupain at negosyo sa Pilipinas ay "ibayong magpapasikad sa paglago ng ekonomya."
"Sa nakaraang tatlong dekada, nagpatupad ng suson-susong iskema ng liberalisasyon ang magkakasunod na gubyerno ng Pilipinas upang bigyan ng mas malaking pagkakataon at laya ang mga dayuhang na mamuhunan sa Pilipinas, magmay-ari o magkontrol ng lupain, huthutin at dambungin ang mga mineral at lokal na likas na yaman, dominahan ang pagbabangko at pamilihang pampinansya, mamuhunan sa pagtitingi at magtambak ng sobrang produktong agrikultural sa kapinsalaan ng lokal na ekonomya," anang PKP.
"Nililinlang ni Binay ang sambayanang Pilipino nang sabihin niyang magdudulot ng paglago sa ekonomya ang neoliberal na charter change (chacha) sa sambayanang Pilipino."
"Ano ba ang nagawa ng tatlong dekada ng patakaran ng liberalisasyon sa sambayanang Pilipino kundi ang malawakang kawalang-trabaho, pag-imbulog ng gastusin sa pamumuhay, pagsadsad ng antas ng kita, laganap na kahirapan, kawalan ng lokal na oportunidad sa ekonomya, ilang ulit na paglaki ng bilang ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino, dislokasyon ng daan-daan libong magsasaka mula sa kanilang mga lupa, patuloy na konsentrasyon ng mga lupain sa iilan, pagkawasak ng kapaligiran, paglaganap ng sakit at epidemya at pangkalahatang pagsadsad ng pamantayan sa pamumuhay," anang PKP.
"Ang pagsasailalim ng konstitusyon ng 1987 sa mga neoliberal na susog ay magpapabilis, hindi ng paglago ng ekonomya, kundi ng deteryorasyon ng ekonomya ng Pilipinas, ng pagkawasak ng lokal na produktibong pwersa at konsentrasyon ng yaman sa kamay ng iilang dayuhang monopolista at mga lokal nilang katuwang sa negosyo," pagdidiin ng PKP.
"Nananawagan ang PKP sa sambayanang Pilipino na puspusang labanan ang pagtutulak ng rehimeng Aquino sa charter change at labanan ang todo-todong pagpapakatuta ni Benigno Aquino sa imperyalistang gubyerno ng US."
"Sa pagtutol sa neoliberal na chacha, iginigiit ng sambayanang Pilipino hindi ang preserbasyon ng konstitusyon ng Pilipinas kundi ang isang ganap na pagbaklas mula sa malakolonyal at malapyudal na sistemang pinananatili mula pa noong 1946 sa pamamagitan ng paggigiit ng pambansang independensya at tunay na demokrasya sa larangan ng ekonomya maging sa larangan ng paggugubyerno, patakarang pangkultura, panlipunan at panlabas," anang PKP.

links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/07/isinusulong-ni-binay-ang-chacha-para.html
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------