From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/2-menor-de-edad-sa-negros-occidental-inaresto-ng-79th-ib-at-pinalalabas-na-mga-pulang-mandirigma/
2 menor-de-edad sa Negros Occidental, inaresto ng 79th IB at pinalalabas na mga Pulang mandirigma
Kinundena ng Human Rights Advocates in Negros (HRAN) ang pag-aresto ng mga elemento ng 79th IB at 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company sa menor-de-edad na magkapatid na edad 16 at 17 sa Sityo Humayan, Barangay Pinowayan, Don Salvador Benedicto noong Abril 25. Ipinaparada ngayon ng 79th IB ang dalawa bilang mga naarestong “batang mandirigma” ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Inaresto rin kasama nila ang isang kaanak na nakatatanda. (Para sa kagalingan ng mga bata, sadyang hindi tinutukoy ang kanilang pangalan.)
Naniniwala ang grupo na ipinalalagap ng militar at pulis ang kasinungalingan para makuha ang “pabuyang pera” mula sa rehimeng Marcos para sa pinalalabas nitong matagumpay na mga operasyon laban sa BHB. Idineklara ng 79th IB na “nabuwag” na nito ang larangang gerilya ng hukbong bayan sa Northern Negros noong pang Hulyo 2021.
‘Walang batang mandirigma’
Pinasinungalingan naman ni Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng BHB-Northern Negros (Roselyn Pelle Command), yunit na nakasasaklaw sa naturang erya, ang paratang na nagrerekrut ito ng mga batang mandirigma sa hukbong bayan. Aniya, mahigpit na tumatalima ang BHB sa mga alituntunin ng hukbo at mga patakaran ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na nagtatakda ng minimum na edad ng pagsapi sa BHB.
Noong pang 1988 pinagtibay ng Kawanihan sa Pulitika ng Partido ang pagbabawal sa pagrerekrut ng mga batang mas mababa sa 18 ang eadd para maging regular na mga kasapi o armadong mandirigma ng mga yunit pangkombat ng BHB. Pinagtibay ito ng pamunuan ng Partido alinsunod sa mga umiiral na internasyunal na makataong batas. Pag-amyenda ito sa seksyon sa Saligang Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan kaugnay ng minimum na edad.
Bahagi din ng pangangalaga sa mga karapatan ng bata, inilabas naman ng National Democratic Front of the Philippines, na pormal na pinagtibay ng NDFP National Council noong Abril 24, 2012 ang Declaration and Program of Action for the Rights, Protection and Welfare of Children.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------