Ads 468x60px

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, May 17, 2024

Buntis na katutubong Dumagat-Remontado, pinagbabaril at inaresto ng militar sa Aurora


 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article linkshttps://philippinerevolution.nu/angbayan/buntis-na-katutubong-dumagat-remontado-pinagbabaril-at-inaresto-ng-militar-sa-aurora/

 

Buntis na katutubong Dumagat-Remontado, pinagbabaril at inaresto ng militar sa Aurora

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kubo na tinutuluyan ng 4-buwang buntis na si Manilyn dela Cruz at kanyang mga kaanak sa Sityo Pinamaypayan, Barangay Umiray, Dingalan, Aurora noong Abril 21.

Nasugatan sa pamamaril si dela Cruz habang tumatakbo para makaiwas matamaan. Pinalalabas ng militar na isang engkwentro sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang insidente. Si dela Cruz ay isang Dumagat-Remontado na tubong Tanay, Rizal.

Matapos ang ng palabas na engkwentro, inaresto si de la Cruz ng mga sundalo at sinampahan ng patung-patong na kaso kabilang ang panununog, tangkang pagpatay, direct assault with multiple murder, at bigong pagpatay. Inaakusahan siyang kasapi ng BHB.

Kinundena ng National Democratic Front (NDF)-Southern Tagalog ang walang pakundangang pamamaril ng mga sundalo at arbitraryong pag-aresto kay dela Cruz. Ayon kay Ka Patnubay de Guia, tagapagsalita ng NDF-ST, hindi makatarungan ang patuloy na pagbibimbin ng mga sundalo kay de la Cruz.

Ang pagtarget ng militar sa isang sibilyan, higit lalo sa isang buntis na katulad ni dela Cruz, ay malubhang paglabag sa internarsyunal na makataong batas, mga batas ng digma at iba pang internasyunal na deklarasyon na nagbibigay ng espesyal na mga proteksyon sa mga sibilyan at hindi kombatant saan man may armadong sigalot.

Partikular na tinukoy ng Declaration on the Protection of Women and Children in Emergency and Armed Conflict ng United Nations General Assembly noong Disyembre 14, 1974 na isang krimen sa digma ang “lahat ng porma ng panunupil at malupit at hindi makataong pagtrato sa kababaihan at mga bata, kabilang ang pagkukulong, tortyur, pamamaril, maramihang pag-aresto, kolektibong pamamarusa, paninira sa tirahan at pwersahang pagbabakwit, na isinagawa ng mga pwersang nakikidigma sa takbo ng operasyong militar nito (Bilang 5).”

Para pagtakpan ang kanilang krimen, ipinamamarali ngayon ng 91st IB at AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) ang kanilang “pagreskyu at pagbibigay ng atensyong medikal” kay dela Cruz. Dinala siya sa Fort Magsaysay Army Station Hospital at kalaunan inilipat sa isang ospital sa Cabanatuan City dahil sa kanyang maselang kundisyon. Nananatili siya sa kustodiya ng militar.

Ayon kay Ka Patnubay, ginagamit ng NOLCOM ang “pangangalaga” sa biktima para pabanguhin ang masangsang na duguang rekord nito ng sadyang pagpaslang sa mga nadadakip na mga lider-rebolusyonaryo at Pulang mandirigma, mga kaso ng pagdukot at sapilitang pagkawala.

 

 ----------------------------

Mga magsasaka at residenteng inagawan ng 73-ektaryang lupa sa Pampanga, nagpiket sa DAR at Kongreso

    links:   https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-magsasaka-at-residenteng-inagawan-ng-73-ektaryang-lupa-sa-pampanga-nagpiket-sa-dar-at-kongreso/

 


CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-